ALDEN AND MAINE MENDOZA OFFICIAL LOVE TEAM NA

Marami raw unforgettable moments sina Alden Richards at Maine Mendoza nang mag-shoot sila sa Italy para sa kanilang unang pagbibidahang pelikula na "Imagine You And Me."

Sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabi nina Alden at Maine na anniversary gift nila ang pelikula sa fans na sumubaybay sa kanilang love team sa kalyeserye ng "Eat Bulaga."

Gaganap si Alden bilang si Andrew, habang si Gara naman si Maine sa pelikula na mala-3 in 1 ang dating dahil pinaghalo itong drama, romance at comedy.

Ayon sa dalawa, iba't iba ang "Imagine You And Me" sa mga nakikita ng mga manonood ng kalyeserye.
Bukod daw sa marami unforgettable scenes sa pelikula, marami rin daw unforgettable moments ang phenomenal love team sa likod ng camera.

Ayon kina Alden at Maine, nagkaroon sila ng pagkakataon na makapag-usap nang masinsinan na silang dalawa lang.

Natawa lang ang dalawa nang tanungin kung maituturing date ba iyon, na sinabi ni Alden na "parang."
Bukod sa pagbida sa kanilang movie, ang AlDub din ang kumanta ng theme song na unang ipinarinig sa "Eat Bulaga" nitong Huwebes.

Si Maine ang sumulat ng kanta, habang si Bossing Vic Sotto ang naglapat ng musika at inareglo ni Jimmy Antiporda.

"Na-overwhelm ako, hindi ma-process ng utak ko na yung kinakanta ko ako nagsulat and yun ang gagamitin sa movie," ani Maine.

Sobrang saya naman si Alden para kay Maine sa naisulat nitong kanta na iba raw ang dating.


0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento