Nasugatan at dinala sa ospital ang isang mangingisda sa General Santos city matapos atakihin ng pating.
Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Huwebes, sinabi ni Pepito Jimena na sumabit ang pating sa kanilang lambat habang nangingisda.
indi na raw bago sa kanya ang makakita ng pating sa dagat sa loob ng dalawang dekada niyang pangingisda pero ngayon lang daw siya inatake.
Nagtamo ng sugat sa kaliwang paa ang biktima.
Ang pating na nangakat kay Jimena, pinatay at kinatay naman daw ng kasamahan niya.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento