Hindi ikinatuwa ng actress na si Alma Concepcion ang pahayag ng ilang netizens kaugnay sa
kaniyang pagpunta sa National Bureau of Investigation (NBI) noong nakaraang linggo upang ihayag
ang kaniyang nasaksihan sa isang rave concert sa Pasay City kung saan lima ang namatay.
Nilinaw ng actress na hindi niya inaasahang iko-cover ng media ang kaniyang pagpunta sa NBI dahil ginagawa niya lamang ito para sa pamilya ng mga biktima.
Aniya, “Kami ang sinugod ng media pero sabi ng ibang tao ay 'papansin' daw ako? Ambush
interview nga 'yung sa NBI Death Investigation Department. Plus, we were invited BY NBI po. We
went there discreetly without knowing na may press doon. Prior to that, the media was looking for me and I didn't grant any interview. I was not answering their invitations and calls.”
“We decided to just deal directly with the families involved lang, eventually to NBI lang, to give direct coordination. Malay ko ba na may press doon. Nagulat nga kami at hindi prepared,” dagdag pa niya.
Sinagot rin ni Alma ang mga mapanghusgang pahayag na kumukuwestiyon sa kaniyang pagiging emosyonal habang nagbibigay ng sinumpaang pahayag sa NBI.
Ayon sa aktres, "Some questioned why I was teary-eyed. Wow. Unbelievable. I was with the family who died in NBI. They were in the next room. The air was so intense. Subukan niyo kayang pumasok as witness sa NBI. Buti nga hindi ako hinimatay.”
"Parang Ozone tragedy. Hindi ka ba maiiyak na may nanigas sa harap mo?” paglilinaw pa niya.
(Ang tinutukoy na Ozone Disco tragedy ay naganap noong 1996 kung saan 162 ang namatay matapos makulong sa nasusunog na disco sa Timog Avenue, Quezon City - ed.)
Hindi raw kailanman ninais ni Alma na sumikat dahil sa pagsisilbi niyang saksi sa naganap na trahedya noong nakaraang buwan, at masaya na raw siya bilang isang private citizen, licensed professional, at hands-on mom.
Tanging konsensiya niya lang umano ang nagtulak sa kaniya upang gawin ang pag-testigo.
Ayon kay Alma, “My conscience compelled me to give my sworn statement sa NBI. Volunteer work
'yun. Wala po akong mapapala sa ginawa ko. It was a selfless act. Di po para sa akin yun. I went there
not as a celebrity but as a human being. To extend help in my smallest way to the families who lost their loved ones.
“And my conscience pushed me to go, since we noticed that even after weeks from the event, no one even started to speak up. The Fontejon family thanked us for initiating andsharing what we saw & they are hopeful that our move would encourage more witnesses to do the same,” dagdag pa niya
-
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento