Negosyanteng babae, natagpuang patay at tadtad ng saksak sa dibdib

Patay na at may mga saksak sa dibdib nang matagpuan ang isang babaeng negosyante, na huling nakitang buhay matapos lumabas sa isang gym at sumakay ng sasakyan sa Antipolo, Rizal.

Sa ulat ni Emil Sumangil sa GMA News 24 Oras nitong Lunes, sinabing natagpuan ang bangkay ni Miriam Bermas, 48-anyos, noong Lunes, sa madamong bahagi ng harapan ng sementeryo ng Antipolo.




Bukod sa mga saksak sa dibdib, basag din umano ang nguso ng biktima.

Hustisya naman ang panawagan ng mga naulila ni Bermas, na naniniwalang hindi pagnanakaw ang motibo ng salarin dahil nakita sa pinangyarihan ng krimen ang mga alahas ng biktima.

Hinala pa ng mga kaanak ng biktima, may kinalaman ang negosyong pagpapa-utang ni Bermas kaya ito pinaslang.

Bago makita ang bangkay ng biktima, nagpaalam daw si Bermas sa kanyang mga kaanak na magtutungo sa gym kasama ang ilang kaibigan.

Sa isang kuha sa closed-circuit-television camera, nakita pa ang biktima nang lumabas mula sa gym at sumakay siya sa isang sasakyan, na huling pagkakataon na makikitang buhay ang biktima,

May hinala rin ang mga kaanak ng biktima na kilala ni Bermas ang nasa likod ng krimen.
Lumapit na ang pamilya ni Bermas sa Rizal Police Provincial Office para mapabilis ang pag-usad sa imbestigasyon ng kaso.







0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento